14
views
sara
By

Mayor Sara, ayaw sa peace talks

Sharing is caring!

Hindi kumbinsido si Davao City Mayor Sara Duterte sa katapatan ng kilusang komunista sa pakikipagkasundo sa pamahalaan.

Dahil dito hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera nito ang desisyon na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philipines-New People’s Army (NDFP-NPA).

Ayon kay Mayor Sara, malulutas lamang ang problema sa insurgensiya kung magpapakita ng katapatan at commitment ang kilusang komunista para sa isang mapayapang bansa.

“Respectfully, I am asking President Rodrigo Duterte to reconsider his decision to reopen the negotiations with the National Democratic Front of the Philippines.

“I believe the insurgency problem can only be ended peacefully if the NDFP and the Communist Party of the Philippines and its armed wing, the New People’s Army, are sincere, honest, and committed to working toward the direction of peace and reciprocate the gesture offered by the government,” ani Mayor Sara.

Sa ngayon, ayon sa alkalde, walang indikasyon na seryoso ang CCP-NPA-NDF na magkaroon ng solusyon ang matagal nang problema sa insureksiyon dahil naipakita na nila kung paano traydurin ang gobyerno at tangkang pabagsakin ito.

“History will also tell us that the communist movement is not to be trusted as they have consistently shown us their deep-seated proclivity to sow hate, violence and extremism, destruction, and senseless killings.These are groups motivated by the desire to overthrow the government and rule the nation.

“For them, peace is not an option. And that’s because they are terrorists,” sabi pa ni Mayor Sara.

Matatandaang pumayag muli si Pangulong Duterte na buksan ang peace talks sa kilusang komunista at inalok pa ang mga ito na babalikatin ang gastos sa hotel at pagkain ng mga negosyador.

Ipinaalala ng alkalde sa Pangulo ang mga ginawang pagpatay ng NPA sa mga inosenteng sibilyan na wala namang kinalaman sa laban ng mga ito, tulad nina Larry Buenafe, tindero ng isda na nasabugan ng land mine at Malysha Machorao, ang apat na buwang sanggol na napatay sa ambush sa Bukidnon.

Marami na aniyang inulilang mahihirap na sibilyan ang mga NPA, pati na rin ang mga anak ng sundalong pinatay ng mga ito.

Kamakailan lamang ayon pa kay Mayor Sara. ay sinunog ng NPA ang halos isang dosenang heavy equipment sa Davao na naging dahilan para maantala ang ginagawang proyekto na pakikinabangan sana ng ilang komunidad sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?