403

Feb 19, 2019 @ 11:20
By

Mayor Sara at ‘Elvis’, nag-joyride pa Isabela

JOHN CARLO M. CAHINHINAN
Ika-19 ng Pebrero

CLAVERIA, Cagayan-Bumiyahe pa-Santiago City, Isabela nitong Martes ng umaga si Davao City Mayor Sara Duterte gamit ang kanyang big bike upang dumalo sa proclamation rally ng mga pambatong senatorial bets ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Isabela.

Gamit ang kanyang Yamaha XSR-900 motorbike, umalis si Mayor Duterte sa kanyang tinutuluyang pension house sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte bandang ala-sais kinse ng umaga upang pamunuan ang rider’s caravan patungong Santiago City kung saan ay ikakampanya niya ang mga manok ng kanyang partido para sa nalalapit na halalan ngayong Mayo.

Kabilang sa mga rider crew na kasama ng Presidential daughter ay si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na maugong na sinusuportahan ng alkalde bilang susunod na Speaker ng Kamara sa darating na Hulyo.

Sa isang stopover sa Claveria, Cagayan, ipinaliwanag ni Mayor Duterte na mas pinili niyang mag motorsiklo papunta sa susunod na proclamation rally ng Hugpong dahil sa bukod sa menos gastos sa gasolina ay mapapasyalan njya din ang mga magagandang tanawin sa hilagang bahagi ng bansa.

Bukod kay Velasco, kapansin-pansin din ang stuff toy ni Mayor Sara na si ‘Elvis na nagmistulang angkas niya sa kanyang biyahe.

Si Elvis ayon kay Duterte ay regalo sa kanya ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) nitong nakaraang Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?