22

May 6, 2021 @ 17:08
By

Mayor Rex kumpleto na bakuna vs COVID

Nabakunahan na ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ngayong Huwebes, Mayo 6.

Itinurok ang ikalawang dose ng Sinovac vaccine kay Mayor Gatchalian sa People’s Park Amphitheater kasama ang ilang residente na kabilang sa prayoridad bakunahan.

“Kumpleto na ang bakuna ni Mayor @rex_gatchalian!” tweet ng Valenzuela City PIO.

Tinanggap ng alkalde ang unang dose ng bakuna noong Abril 8 matapos payagan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga alkalde at gobernador sa mga high-risk area na magpabakuna na laban sa COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?