814

Dec 26, 2017 @ 19:19
By

Mayor ng Southern Leyte, kinasuhan ng graft dahil sa cash advance

Ipinagharap ng kasong graft sa Sandiganbayan ang mayor ng San Francisco, Southern Leyte kaugnay ng umano’y irregular disbursement ng cash advances na nagkakahalaga ng P393,540.17 noong 2012.

Apat na bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Mayor Samson Gamutan Jr.

Nag-ugat ang kaso nang payagan umano ng alkalde na i-release ang tatlong disbursement vouchers para sa cash advance ng kanyang private secretary na si Jesus Gamutan.

Kasama ring kinasuhan ang municipal accountant na si Resurreccion Tangso at municipal treasurer Rosenda Bansig.

Nagsabwatan umano ang apat para ibigay ang pera kay Jesus kahit hindi ito entitled na tumanggap ng cash advance bilang non-bonded officer dahil labag sa patakaran ng Commission on Audit.

Inirekomenda ng Ombudsman ang piyansang P30,000 sa bawat kaso ng mga akusado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?