Buenavista

Mayor ng Buenavista, Agusan del Norte sinuspinde

Sharing is caring!

Pinatawan ng isang buwan at isang araw na suspensiyon ang alkalde ng Buenavista sa Agusan del Norte, matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong ‘simple neglect of duty’ na isinampa ng kanyang mga empleyado sa nasabing munisipalidad.

Batay sa kautusan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) Caraga, na ipinadala sa nasabing bayan, dakong alas-11:28 ng tanghali nitong Biyernes hanggang sa Pebrero 10 nitong taon, epektibo ang suspensiyon ni Buenavista, Agusan del Norte Mayor Norbert Pagaspas Sr.

Pansamantala namang itinalaga bilang acting mayor ang kanyang vice mayor na si Ronylin Borja, kung saan nagpahayag ito na kanyang sisiguruhing ipagpapatuloy ang serbisyo sa bayan gaya ng pag-iisyu ng business permits o iba pang mga kinakailangang dokumento ng kanyang mga constituent nang walang pinapaboran.

Magiging transparent din umano ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga notifications sa kanilang mga gagawing pagpupulong ng kanyang mga opisyales upang malaman ng kanilang sambayanan.

Magugunitang una nang pinatawan ng suspension order ng Office of the Ombudsman si Mayor Pagaspas nang mapatunayang guilty sa kasong simple neglect of duty na inihain ng mga empleyado ng munisipalidad na nakilalang sina Imelda Ignalig, Joselito Pesco, Celso Echevarre, Ronilo Fedelis, Daisy Medina at Emmanuel Sobrecaray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?