log
By

Mayor ng Antique, kinasuhan sa pagputol ng mga puno

Sharing is caring!

Ipinagharap ng reklamo ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang alkalde ng Caluya, Antique kaugnay ng umano’y ilegal na pag-apruba nito sa pagputol ng 245 puno ng niyog sa munisipalidad noong 2014.

Ipinagharap si Mayor Genevive Gumban Lim-Reyes ng isang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at isang bilang ng paglabag sa Coconut Preservation Act.

Iniutos umano ni Reyes ang pagputol sa 254 coconut trees na nakatanim sa 5-ektaryang lupain ng isang Juliet Ramos sa Barangay Tinogboc noong Pebrero 28, 2014.

Ayon sa Ombudsman, ginamit ng alkalde ang kanyang posisyon sa pag-apruba sa clearing operations nang walang konsiderasyon sa mga karapatan ni Ramos.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi dumaan sa prosesong ligal ang pagputol sa mga puno dahil walang isinagawang public consultation at judicial recovery of possession, at wala ring permiso mula sa Philippine Coconut Authority.

Inirekomenda ang P42,000 na kabuuang piyansa o P30,000 para sa graft at P12,000 para sa paglabag sa RA 8048 para sa pansamantalang kalayaan ni Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?