444

Apr 20, 2020 @ 8:48
By

Mayor nagpatawag: BGC condo sapilitang pinasok ng mga pulis

Kinumpirma ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na nagpatulong nga siya sa Philippine National Police para maiasara ang mga common area sa isang condominium sa Bonifacio Global City.

Pinatawag niya aniya ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na nitong Abril 19, bukas pa rin ang ilang lugar-tipunan, gaya ng swimming pool, sa Pacific Plaza Towers kahit pa bawal na ang public gathering sa Luzon.


“After the President and IATF’s (Inter-Agency Task Force) renewed call to tighten the enforcement of the enhanced community quarantine (ECQ), I asked the Philippine National Police (PNP) and other relevant departments of the City to make sure that all rules on ECQ are strictly enforced,” wika ni Cayetano sa Facebook.

“ECQ rules and regulations include the closure of common areas and spaces in subdivisions and residential condominiums, as these places are areas of congregation. This applies to both public AND private establishments, as this is for the general welfare of everyone. The ECQ rules and regulations apply equally to all communities. Patas-patas po dapat,” hayag niya pa.

Nagbabala pa siya na sinumang lalabag sa quarantine protocol ay handang sampahan ng kaso ng pamunuan ng Taguig at ng kapulisan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?