484

By

Mayor Isko sa nagba-vandal sa Lagusnilad underpass: Padidilaan ko sa inyo ‘to!

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga bumababoy sa mga pader sa Lagusnilad underpass na hindi siya magdadalawang-isip na padilaan sa mga ito.

Ito’y matapos magsagawa ng paglilinis ang mga tauhan ng Manila Department of Engineering and Public Works at Department of Public Services sa mga bandalismo sa nabanggit na underpass.

“Naghahanap kayo ng matinong pamahalaan, naghahanap kayo ng matinong tao sa pamahalaan. I’m not saying I’m one of those. We are really trying to clean up and revive, making Manila… vibrant. We don’t deserve this. The people of Manila don’t deserve this,” anang alkalde.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,” babala pa ni Mayor Isko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?