10

Sep 24, 2020 @ 13:22
By

Mayor Isko sa mga negosyante: Hindi kami tutulog-tulog

Nangako ang lokal na gobyerno ng Maynila na tutulungan nila ang mga negosyo na kayanin ang hagupit ng pandemyang coronavirus.

Sinabi ito ni Mayor Isko Moreno sa isang online meeting kasama ang mga opisyales ng 170 chapters ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCII) nationwide.

“I want to reach as many as possible, to help them survive this pandemic. Pinagtutuunan natin ng pansin (na dapat) may negosyo, may trabaho, may kapanatagan. Kapag maganda ang negosyo, may buwis, at kapag may buwis, we can redirect it to our programs,” wika ng alkalde.

“Your city government will not sleep. Hindi kami tutulog-tulog, hindi kami titigil. We must learn to live with COVID-19. Families, livelihoods, jobs and businesses will go down to the drain if we are not going to adapt,” aniya pa.

Sabi pa ni Moreno sa pederasyon, magpapatuloy ang mga “high-impact project” sa lungsod kahit nananalasa pa ang pandemya.

Nagpasalamat din siya sa Department of Finance (DOF) na pinagkalooban ng P30-bilyong net borrowing capacity ang Maynila para sa mga nabanggit na proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?