429

By

Mayor Isko natolongges ng snatcher

Naloko si Manila Mayor Isko Moreno ng lalaking ibinida niya kamakailan.

Magugunitang nag-viral si Jomar Alingod matapos itong makuhanan ng video habang nakasabit sa isang jeep at may sinusuntok na pasahero.

Iniharap ito ni Mayor Isko para pagpaliwanagin sa nangyari.

Dumepensa si Alingod na tinulungan lang niya ang kaibigan na habulin ang nanghipo sa misis nito na tumakas sakay ng jeep.

Ngunit muli itong iniharap kay Mayor Isko matapos itong mahuli na nag-snatch sa Taft Avenue sa Maynila.

“Ito, noong isang linggo bida. Itong hudyo na ‘to, pumasok pa sa opisina ko. Talipandas din pala,” pahayag ng alkalde.

“Gusto ko malaman n’yo, ito pala holdaper din. Snatcher din. Hindi pa nagbago. Kinilala na nga ng mayor. Kinamayan ko pa! Hindi lang kayo ang natolongges, pati ako,” sabi pa ni Mayor Isko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?