36

Oct 13, 2021 @ 15:45
By

Mayor Isko move on na kay VP Leni

Hindi na umano masyadong iniisip ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno ang naging gusot sa pagitan niya at ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo.

“Karapatan kong magbigay ng opinyon at karapatan ko magsabi kung mali [ang sinasabi tungkol sa akin],” pahayag ni Moreno ngayong Miyerkoles sa isang online forum.

“Every person who is being accused must answer… Kung ma-offend ka, I’m sorry. I am not perfect, I am no angel. I can never be right all the time, but I am always just,” dugtong pa niya.

“That is water under the bridge. We move forward.”

Kamakailan ay rumesbak si Moreno sa naging pahayag ni Robredo na hindi natuloy ang unity talks sa pagitan ng kanilang kampo dahil sa pagkakaiba ng kanilang pananaw sa mga Marcos at Martial Law.

Si Robredo ay kilalang anti-Marcos.

Bumwelta si Moreno at tinawag na ‘pekeng leader na may pekeng kulay’ si Robredo.

Bukod pa rito ay nilinaw ng kampo ng alkalde na si Moreno ay hindi isang Marcos apologist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?