31

Feb 22, 2020 @ 17:47
By

Mayor Isko may pabahay para sa mga Manileño

Nakipagpulong kamakailan si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang talakayin ang programang pabahay at gusaling komersyal ng lungsod.

Dito iprinisinta ng iba’t ibang departamento ang kanilang mga plano ukol sa urban resettlement na naglalayong bigyan ng permanenteng tirahan ang mga informal settler.

Binigyang-diin ni Domagoso ang hangarin ng pamahalaan na bigyan ng maayos at marangal na tahanan ang mga mahihirap na naninirahan sa Parola, Vitas, Punta at iba pang lugar sa Maynila.

Ayon sa alkalde, matagal na niyang pangarap ito para sa taga-Maynila dahil lumaki siya sa Parola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?