77

Aug 14, 2019 @ 19:04
By

Mayor Isko, may natutunan sa pagkatalo sa Senate race

Siniwalat ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroon siyang natutunan sa pagkadapa niya sa Senate bid noong 2016 elections.

Aniya, natutunan niyang maging maingat sa pagbibigay ng tiwala.

“It teaches you a lesson. You really have to be careful with trusting people. It doesn’t matter whether they used to be the president of the country or they’re superstar,” saad ng alkalde sa interview ni FYI host Richard Heydarian.

Magugunitang mas pinili ni Moreno na tumakbo sa pagka-senador noong 2016 imbes na sa pagka-alkalde ng Maynila para magbigay-daan umano kay reelectionist Mayor Erap Estrada.

Sa kabila nito, naka-move on na umano si Moreno. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?