368

Sep 11, 2019 @ 15:03
By

Mayor Isko inspirasyon sa pamumuno si Duterte

Nagpasalamat si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos siyang purihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamamalakad sa Maynila.

Ibinalik naman ni ‘Yorme Isko’ ang papuri sa Pangulo at sinabing ang klase ng pamumuno nito ang nagbigay inspirasyon hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mayor nationwide.

“Thank you for the kind words, Mr. President, but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung anumang klase ng liderato na mayroon kami. Kung anuman ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pangulo na mayroon tayo,” saad ni Moreno.

“So we owe it to you Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us,” dagdag pa ni Moreno sa inilabas na statement.

Magugunitang inihayag ng Pangulo noong Martes ng gabi ang paghanga nito kay Moreno at sinabing mas mahusay ito sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?