ABANTE Mayor Guia Gomez kontra recall election
By

Mayor Gomez kokontrahin ang recall election sa San Juan

Sharing is caring!

Tatanggihan ni San Juan Mayor Guia Gomez ang napipintong recall election sa nasabing lungsod at lalabanan umano niya sa legal at tamang paraan hanggang umabot sa Korte Suprema.

Ito ang sinabi ng alkalde sa isinagawang press conference sa kaniyang bahay, kahapon ng tanghali.

“I will not accept this recall and I will allow my lawyers to challenge it legally and according to the right process and I will only step down as mayor of San Juan in 2019 as my term ends,” pahayag ni Gomez.

Ang sinasabi ni Gomez ay hinggil sa pag-apruba ng Commission on Elelction (Comelec) na magsagawa ng recall election dahil sa 30,000 pirma ng residente ng lungsod kung saan ang makakalaban nito ay si dating vice mayor Francis Zamora, na kaniyang tinalo sa mayoralty post ng nakaraang eleksiyon.

Paliwanag pa nito, sa loob ng panunungkulan niya bilang mayor ng San Juan ay nakatanggap siya ng 50 na parangal kabilang ang dalawang sunod na taong seal of governance award na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaya hindi siya naniniwala sa dahilan ng apat na petitioners na nag-file ng recall election na ‘lack of confidence’ ang pangunahing dahilan para ito ay isagawa.

“Kung makakakuha sila ng 30,000 pirma, kaya kong kumuha ng 40,000 o mas marami pang pirma dahil ako ang binoto ng residente ng San Juan bilang kanilang alkalde.

Sa bintang naman ni Zamora na nagtatago umano si Gomez simula nang lumabas ang notice of sufficiency nitong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon, na kailangan niyang personal na mapirmahan para umusad na ang recall election, sinabi ng alkalde na isa itong malaking kasinungalingan.

Nag-file umano siya ng leave of absence dahil kinakailangan umano niyang sumailalim sa mga medical test, subalit hindi umano nito pinapabayaan ang kaniyang trabaho at ginagawa niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

“Ano ba ang kasalalan ko sa iyo? I treated you as my own son, we eat together… marami ang tumututol nang kinuha kitang vice mayor ko nu’ng dalawang unang termino ko pero ipinaglaban kita,” ito ang mensahe ng alkalde sa kaniyang dating bise alkalde. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?