25

Jan 5, 2022 @ 15:00
By

Mayor Gatchalian nagpositibo sa Covid

Inanunsyo ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Miyerkoles.

“I wish to inform my fellow Valenzuelanos that I have tested positive for COVID-19 after recently undergoing routine work safety testing at City Hall,” pahayag ng alkalde sa kaniyang Facebook page.

Aniya, mayroon siyang mild symptom. Kaya ngayon, naka-quarantine umano siya sa isang isolation facility sa lungsod.

“I am manifesting very mild symptoms and will continue to discharge my responsibilities as City Mayor from one of the City’s isolation units where I am currently under mandatory quarantine,” paliwanag ni Gatchalian.

“Rest assured the services of City Hall will continue without any hitches,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Gatchalian, buong puwersa si Valenzuela City Vice Mayor Lorie Natividad Borja kasama ang buong City Hall Management Team sa pagpapatakbo ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?