233
Mayor Gatchalian, 2 pa kinasuhan sa panghihimasok sa kooperatiba
Jun 13, 2019 @ 15:52
By

Mayor Gatchalian, 2 pa kinasuhan sa panghihimasok sa kooperatiba

Pormal nang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ng mga miyembro ng Valenzuela Multi-Purpose Cooperative sa Office of the Ombudsman si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Bukod kay Mayor Gatchalian, kinasuhan din ng mga miyembro ng kooperatiba sa pangunguna ng chairperson nito na si Enriqueta Catayong, ang sinasabing mga empleyada nito na nakilalang sina Elenita Reyes at Wendy Dunasco ng “conspiracy”.

Batay sa 20-pahinang reklamo na inihain sa Ombudsman, pinanghimasukan umano ni Mayor Garchalian ang nasabing kooperatiba na matatagpuan sa Sitio La Mesa, Ugong Valenzuela City, dahil nais umano nitong iparehas ito sa una niyang proyekto, ang Disiplina Village 1 at 11, na nasa ilalim ng Housing and Settlement Office ng lungsod.

Sa paliwanag ni Catayong, wala umanong karapatan ang alkalde na panghimasukan ang kanilang kooperatiba dahil ito ay nasa pangangasiwa ng Cooperative Development Authority at ito ay nasa ilalim naman ng Office of the President.

Giit ng chairperson, nagkaroon umano ng sabwatan sa pagitang ng alkalde at ng nasabing mga empleyada at malinaw na paglabag sa Graft and Corrupt Practices at Code of Conduct and Ethical Standard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?