66

Sep 9, 2021 @ 15:46
By

Mayor Duterte kukumbinsihin na tumakbo sa pagkapangulo

Hindi pa rin titigil ang Hugpong Para kay Sara (HPS) at tatangkain nitong kumbinsihin si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, spokesperson ng HPS matapos sabihin ng alkalde na hindi ito tatakbo sa anumang national position sa pagtakbo ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa vice presidential race.

“Mayor Sara said that she is not running for national position as she agreed with her father that only one of them will run in 2022. HPS still believe that Mayor Sara is the most qualified to run for president,” sabi ni Herrera.

Tuloy pa rin umano ang official launching ng HPS sa Setyembre 13.

“Tuloy pa din tayo sa launching on Monday,” sabi pa ni Herrera.

Ang HPS ay isang citizens movement na mula sa iba’t ibang sektor at binuo upang tulungan at kumbinsihin ni Mayor Duterte na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

“We’ve set up HPS, and is now snowballing through the regions as people from all sectors, walks of life, and political inclinations are joining it as we go along,” dagdag pa ni Herrera.

Patuloy umanong nadaragdagan ang mga organisasyon na sumasali sa HPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?