45

By

Mayor Dan Fernandez na-miss umarte

Sharing is caring!

NADALAW kami sa first shooting day ng comeback movie ni Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez, ang “Hawa.”

Bungad ni Dan: “At last, umaarte na naman tayo. Na-miss ko rin ito. Tagal na rin kasi, e. After ng “Honor Thy Father” with John Lloyd Cruz ngayon lang uli.” Nasabik daw talaga siyang umarte.

Like HTF, ang “Hawa” ay ang pang-Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Reality Entertainment.
Kasama sa “Hawa” movie ang martial artist na si Brandon Vera. Ayon sa Sta. Rosa mayor, first time niyang na-meet ang Fil-Am actor. “Sobrang bait niya,” lahad ni Dan.

Ang “Hawa” ay isang zombie movie. Ayon kay Dan, hindi raw eto adapt sa mga foreign zombies na pinalabas na sa sinehan. Isang military man ang kanyang role.

Wish ni Dan na hindi magkaproblema ang “Hawa” tulad nang nangyari noon sa “Honor Thy Father.” Sino ba ang leading-lady sa movie? “Wala pa,” ani Dan.

Samantala, nabanggit ni Dan na sa darating na 2019 elections malamang daw na bumalik siya sa Kongreso.
“Hindi pa naman final kung congressman muli. Pero malamang sa hindi. Nag-start kasi ako sa legislative, e,” ani ni Sta. Rosa mayor.

Natanong namin kung ‘di ba conflict ang pagsu-shoot niya sa work bilang mayor ng Sta. Rosa?

“Nilahad ko sa kanila ang time schedule ko. Everyday ang work ko dahil sa mga constituents ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ‘yun. So, sabi ko, kung magsu-shoot ako kailangan after office hours. Start ng 5 or 6 p.m. at by 1 a.m.
kelangan pull-out na ako. Agree naman sila… dun.. pumayag. Time management lang talaga dapat,” pagtatapos ng actor-politiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?