84

Dec 23, 2019 @ 19:26
By

Mayor Calixto namigay ng Noche Buena items sa mga taga-Pasay

Mahigit sa 1,000 na mga persons with disabilities, senior citizens, solo parents at mga maralitang residente ng Pasay ang nakatanggap ng pang-Noche Buena na grocery items mula kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang isagawa ang seremonya na ginanap sa Cuneta Astrodome sa nasabing lungsod nitong Disyembre 23.

“Ang Pasko ay para sa lahat. Itong gift-giving na ito ay isang munting paraan ng inyong lingkod upang matulungan ang mga pamilyang Pasayeño na makapagdiwang ng Pasko na may sapat na pagkain sa kanilang mga mesa at may magandang ngiti sa kanilang mga labi.”

Ang pagpapatatag ng mga pamilya ay isa sa mga prayoridad ni Mayor Calixto-Rubiano na tinatawag na HELP o Health Care and Housing; Education, Economic Growth and Environment; Livelihood and Lifestyle; at Peace and Order, Palengke at Pamilya.

Kasama ng alkalde sa naturang okasyon si Congressman Tony Calixto katuwang ang Jindiyuan Business Support Inc. at Jinshenglong Business.

Kabilang sa ipinamahaging Noche Buena gift packs ay mga de-lata at ilan pang mga karaniwang inihahanda tuwing bisperas ng Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?