159

Feb 4, 2019 @ 21:44
By

Mayor Baldo nakalabas na sa ospital

Na-discharge na umano sa isang ospital sa Legazpi City si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ayon sa report, dakong alas-siyete ng gabi nitong Lunes ay nakalabas ng ospital si Baldo makalipas ang dalawang linggo.

Samantala, iprinotesta ng abogado ni Baldo na si Atty. Charlie Santos ang pagpapalabas sa kanyang kliyente sa ospital at ikulong na sa Legazpi City Police Station.

Aniya, may impeksiyon pa umano sa tiyan si Baldo at under observation pa.

Samantala, pumayag naman umano si Baldo na mailipat na sa naturang presinto.

Mananatili siya rito habang hinihintay ang pag-iisyu ng resolusyon ng provincial prosecutor ng Camarines Sur.

Nahaharap ang alkalde sa mga kasong double murder, 6 counts of frustrated murder at illegal possession of firearms and explosive.

Dumanas ito ng hika matapos arestuhin noong nakaraang buwan kaya isinugod siya sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?