26

Jan 31, 2020 @ 17:38
By

Mayor Ampatuan suspendido ng 3 buwan

Tinanggap ng Sandiganbayan Third Division ang boluntaryong 90 araw na suspensiyon sa kasong graft at malversation laban ni Mayor Datu Sajid Islam Ampatuan ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.

Batay sa resolusyon ng third division nitong January 24, tinanggap ang ‘motion to go on voluntary preventive suspension’ ni Mayor Ampatuan, base sa Republic Act No. 3019 (the Anti-Graft and Corrupt Practices Act), kung saan ay pinapayagan ang suspensiyon ng sinumang ‘incumbent public officials’ na nahaharap sa mga kaso upang hindi makasagabal sa imbestigasyon.

Nag-ugat ang kasong graft at malversation ni Mayor Ampatuan sa maanomalyang pagbili ng agricultural products kabilang ang fertilizer, palay, at mais na nagkakahalaga ng P98.24 milyon mula sa Tamoni Enterprises in 2009, noong ang ina ay gobernador ng Maguindanao.

“In his subject motion, accused-movant Ampatuan avers that he is willing to be preventively suspended from holding public office,” base sa nakasaad sa resolusyon na isinulat ni Sandiganbayan Third Division chair at Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

“During the hearing on the said motion on November 15, 2019, the prosecution manifested in open court that it is submitting the resolution of the same motion to the discretion of the Court,” nakasaad pa sa resolusyon.

Nabatid na noong May 2019, ay hiniling ni Ampatuan na i-dismiss ang kaso, sa dahilang nilabag umano ng Office of the Ombudsman ang pagkakaroon ng mabilisang disposisyon ng kaso na tumagal ng halos tatlong taon bago maresolba.

Subalit, sinabi ng parehong division na ang ang sinasabing mabilisang disposisyon ay nababaluktot o “flexible” na konsepto.

Ipinaliwanag ng anti-graft court na ang pagkaantala ay dahil na rin sa pagbago ng liderato, kung saan pinalitan si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ni Ombudsman Samuel Martires.

Magugunitang una nang sinuspinde si Ampatuan sa kasong graft ng Sandiganbayan Sixth Division, dahil sa maling paggamit ng public funds na nagkakahalaga ng P72.26 milyon noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?