9

May 5, 2021 @ 16:01
By

Mayor Abalos binakunahan na ng 2nd dose

Kumpleto na ang panangga sa coronavirus ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos matapos siyang bakunahan ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine ngayong Miyerkoles, Mayo 5.

Abril 5 tinurukan ng unang dose ng bakuna ang alkalde.

Kasabay nito’y hinikayat niya ang kanyang mga constituent na magparehistro sa vaccination program ng lungsod na MandaVax.

Ayon sa Mandaluyong City Public Information Office, as of May 4, mayroon nang 111,665 nagparehistro sa vaccination program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?