ABANTE mayon volcano alert level 2
By

Mayon itinaas sa Alert level 2

Sharing is caring!

Inilagay ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na pagbuga ng abo simula pa noong Sabado.

Ayon sa Phivolcs, umabot na sa 2.5 kilometro ang abot ng abo matapos magsimulang magbuga ang Bulkang Mayon noong Sabado na tumagal ng isang oras at 47 minuto.

Pinapayuhan ng mga residente na huwag pumasok sa 6 na kilometrong radius permanent danger zone (PDZ) para maiwasang masaktan dulot ng pagsabog, pagdausdos ng mga bato at landslides.

Inabisuhan na din ng Philvocs ang civil aviation authorities na sabihan ang mga piloto na huwag lumipad malapit sa bulkan.

Samantala, mahigit 665 pamilya na na ang lumikas sa bayan ng Guinobatan at Camalig.

Mahigit 75 pamilya ang nasa evacuation center sa Guinobatan at 190 pamilya naman sa dalawang center sa bayan ng Camalig. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?