1,556

Mar 31, 2020 @ 13:20
By

Mayo o Hunyo, peak ng COVID-19 outbreak – Jaime Zobel de Ayala

Nagbabala ang bilyonaryong si Jaime Augusto Zobel de Ayala na posibleng may ilalala pa ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Base sa datos na nakalap ng mga data scientist ng Ayala Group, sinabi ni Zobel sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force na posibleng mag-peak ang nararanasang COVID-19 outbreak sa Pilipinas bandang mid-May at mid-June ngayong 2020.

Saad niya na sana’y mali ang forecast ng kanilang mga scientist, base sa notes na nakalap sa video conference meeting na binahagi ni dating Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon.

Nitong March 30 ay umabot na sa 1,546 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 78 dito y nasawi.

Inaasahan na tataas pa ito dahil sa paggamit ng mga rapid test kit at pagdagdag ng testing center, na ayon kay Chief Implementer ng National Action Plan (NAP) against COVID-19 Carlito Galvez Jr.ay posibleng umabot sa 5,000 hanggang 10,000.

Sa presentation ni Zobel, sinabi na top priority dapat ng gobyerno ay ang pagpapakain sa mahihirap, at pagpigil sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa enhanced community quarantine.

“If you read JAZA quoting corporation’s data scientists projecting peak #COVID19PH to be May-June, compare with this early forecast (based, at time, on then-current interventions), and rather depressing they roughly still coincide: suggests #LuzonLockdown moderate in effects?” ayon kay Quezon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?