By

Maynilad staff, nag-dyakol sa tabi ng policewoman

Sharing is caring!

Inaresto ng babaeng pulis ang katabi niyang lalaki sa bus matapos niyang maaktuhan itong naglalaro ng ari noong Sabado ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni PO2 Marites Ramos, nakatalaga sa Women and Children’s Desk ng Manila POlice District Station 10, ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad.

Batay sa report sa Quezon City Police District (QCPD), sa kalagitnaan ng mahabang daloy ng trapiko sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Barangay Balingasa, kasama ang dalawang anak na babae ay tila nainip ang suspek at ipinasok ang kamay sa kanyang shorts at saka nilaro umano ang kanyang ari sa harap ng katabing policewoman saka nilaro-laro.

Hindi niya akalain na ang katabing babae ay isang policewoman, at napansin nito si Carreon na panay ang kalikot loob ng kanyang shorts sa mismong tapat ng kanyang ari.

Hindi pa nasiyahan ang suspek at lalong ikinagulat ng policewoman nang ilabas pa ni Carreon ang kanyang ari saka muling nilaro at hinimas-himas.

Dahil dito ay kinompronta na ni Ramos ang suspek. Nagkataon naman na may nagpapatrulyang mga tauhan ng QCPD Police Station 1, kaya agad niyang binitbit ang lalaki at itinur-over sa kapwa niya mga pulis.

Sa loo ng presinto, mariing itinanggi ni Carreon na nilaro niya ang kanyang ari at wala umano siyang balak bastusin ang pulis at mga anak nito.

Aniya, sadya lang umano makati ang kanyang singit kaya ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng kanyang short.

Gayunman, ikinulong pa rin si Carreon at inihahanda na ang kasong unjust vexation laban dito. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?