8

Dec 2, 2020 @ 13:14
By

Maynilad, Manila Water may bawas-singil sa 2021

Sasalubungin ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. ang bagong taon na may tapyas sa singil sa tubig.

May bawas-singil na P0.14 kada cubic meter ang Manila Water, habang P0.05 kada cubic meter naman ang sa Maynilad.

Epektibo ito simula Enero 1, 2021.

Napaulat na batay sa mga water concessionaire, ang bawas-singil ay dahil sa foreign currency differential adjustment (FCDA) o dahil lumakas ang palitan ng piso laban sa Japanese yen at US dollar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?