8

By

Maynilad magpapasabog ng taas-singil kada 5 taon

Sharing is caring!

Inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad.

Ang P5.73 per cubic meter na taas-singil ay isasagawa sa susunod na limang taon simula sa susunod na buwan.

Sa Oktubre ang dadagdag ay P0.90 per cubic meter, P1.95 per cubic meter sa Enero 2020, P1.95 per cubic meter sa Enero 2021, at P0.93 per cubic meter sa Enero 2022.

Nabatid na hindi pa kasama sa pagtaas ng singil ang ang mga buwis gaya ng value-added tax na madadagdag pa sa over-all na rate hike.

Sa Setyembre 27 naman isasalang ang dagdag-singil ng Manila Water, na inaasahang nasa P7 din. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?