127

Oct 29, 2019 @ 15:30
By

Maynilad, iba pa, pwedeng kontrolin ni Duterte – Lacson

Maari umanong ibigay ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan para i-take over ang operasyon ng dalawang water concessionaire – ang Maynilad at Manila Water – sa gitna na namumuong krisis sa suplay ng tubig sa Kamaynilaan.

Ito ang reaksiyon ni Senador Panfilo Lacson kasunod ng naunang pahayag ni Duterte na maaring gamitin niya ang ‘extraordinary powers’ para masolusyunan ang napipintong water crisis sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

“Given a looming, if not already existing water crisis, the Congress may delegate to the president the power of the state to take over the operation of public utilities,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter.

Subalit kailangan muna aniyang magdeklara ng state emergency si Duterte bago siya pagkalooban ng Kongreso ng kapangyarihan para i-take over ang dalawang water concessionaire.

“However, the President has to declare an emergency, and if Congress delegates that power to him, the government must be ready to compensate whatever losses the private concessionaire would incur during the period of the government takeover,” sabi ni Lacson.

Batay sa Section 17, Article VII ng 1987 Constitution, ang Kongreso ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng bansa para kontrolin ang operasyon ng public utility sa bansa.

Noong Lunes, sinabi ni Duterte na kanyang na maaring niyang gamitin ang kanyang ‘extraordinary powers’ para sa konstruksyon ng P18.7 bilyong Kaliwa Dam project sa pagitan ng mga lalawigan ng Quezon at Rizal.

Sinasabing ang Kaliwa Dam ang solusyon sa water shortage sa Metro Manila at kalapit nitong mga lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?