21

Nov 18, 2020 @ 15:08
By

Maynilad customer mawawalan ng tubig sa Nob. 18-24

Simula ngayong Miyerkoles, makararanas ng arawang water service interruption ang mga kostumer ng Maynilad Water Services Inc..

Sa kanilang abiso ngayon ding araw, sinabi ng kompanya na magtatagal ang pagkaantala sa water supply hanggang Nobyembre 24, 2020.

Ang mga apektadong lugar ay Caloocan City, Malabon City, Makati City, Manila, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, at Imus, Bacoor at Kawit sa Cavite.

“Dahil sa volume ng sludge na pumapasok sa aming treatment plants simula noong Huwebes hanggang sa kasalukuyan bunsod ng Bagyong Ulysses, kinakailangan naming linisin ang aming mga basin upang bumalik sa normal ang volume ng tubig na aming pinu-produce,” paliwanag ng Maynilad, Nobyembre 18 ng hapon.

Pinayuhan ng kompanya ang madla na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply.

Kapag anila bumalik na ang supply ng tubig sa kanilang lugar ay maaaring malabo o may kulay ang unang-labas na tubig kaya dapat na padaluyin muna ito nang panandalian hanggang sa luminaw ang tubig.

“Patuloy kaming humihingi ng inyong pang-unawa. Makaaasa kayo sa aming pagsisikap na maisaayos agad ang naging epekto ng Bagyong Ulysses sa aming operasyon. Maraming salamat po,” ayon pa sa Maynilad.

https://www.facebook.com/pg/MayniladWater/photos/?tab=album&album_id=2444215382551984
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?