20

By

Maynila, pasok sa ‘most expensive cities in Asia’

Sharing is caring!

Nahawakan muli ng Shanghai ang titulo nito at nahablot sa Hong Kong bilang “most expensive city in Asia” ngayong 2018.

Ayon sa 8th annual edition ng Wealth Report Asia na inilabas ng Swiss private banking group na Julius Baer nitong Disyembre 4, tumuntong na ika-9 ang Maynila, na kabisera ng Pilipinas.

Ginawang batayan umano ng Julius Baer Lifestyle Index ang paggastos ng ilang indibiduwal na may mataas na net worth o mga tao na may net investable wealth na $1 million pataas.

Lumabas din sa report ngayong taon na tumaas ang luxury living ng 2.91 percent kumpara sa 1.42 percent noong nakaraang taon.

Ikinumpara rin umano sa Julius Baer Lifestyle Index 2018 ang halaga ng mga bilihin at serbisyo sa 11 Asian cities.

Sa kabuuan, tumaas ng 4.8 percent ang halaga ng mga bilihin at serbisyo sa Shanghai kabilang na ang pagpapaospital, relo, mga bag, alahas, wine at skin cream.

Nananatili namang “least expensive city” ang Kuala Lumpur.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng Top 11 most expensive cities in Asia in 2018.

1. Shanghai

2. Singapore

3. Hong Kong

4. Tokyo

5. Taipei

6. Seoul

7. Bangkok

8. Mumbai

9. Manila

10. Jakarta

11. Kuala Lumpur

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?