31

Nov 17, 2021 @ 15:27
By

Maynila nanguna sa urbanized cities index

Numero uno ang lungsod ng Maynila sa inilabas na 2020 Highly Urbanized Cities under the Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Martes.

Ayon sa DTI, dinaig ng Maynila ang 32 na iba pang lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa nakuha nitong iskor na 65.9782.

Apat ang pinagbasehan sa naturang ranking: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, and Resiliency.

Sa apat na ito, numero uno ang Maynila sa Government Efficiency at Infrastructure habang pangatlo naman sa Resliency at sa Economic Dynamism.

Ang Cities and Municipalities Competitive Index ay taunang pagraranggo ng mga bayan at siyudad sa Pilipinas na isinasagawa ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?