14

Dec 17, 2020 @ 12:05
By

Maynila most competitive city sa ‘Pinas

Sa unang pagkakataon, hinakot ng Manila City government ang karangalan sa katatapos lang na 8th Regional Competitiveness Summit ng Department of Trade and Industry.

Sa summit, na naganap noong Disyembre 16 at dinaluhan ng mga alkalde sa buong bansa via virtual platform, nanguna ang Maynila sa Overall Competitiveness Award for Highly Urbanized Cities.

Nakamit din nito ang Most Competitive in Infrastructure Award for Highly Urbanized Cities, at Most Competitive in Government Efficiency Award in Highly Urbanized Cities.

Third place naman ang Manila LGU sa Most Competitive in Resiliency for Highly Urbanized Cities, at Most Competitive in Government Efficiency.

Sabi ni Manila Mayor Isko Moreno, “ang sunod-sunod na mga parangal na natamo ng LGU Manila ay patunay ng epektibo ang pamamahala sa Bagong Maynila.”

Ang mga parangal na binibigay sa Regional Competitiveness Summit ay batay sa Cities and Municipalities Competitiveness Index, isang taunang ranking ng competitiveness ng mga lungsod at bayan sa bansa.

Apat ang batayan sa pagsukat ng competitiveness ng mga bayan at siyudad: economic dynamism, government efficiency, infrastructure, at resiliency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?