20

Nov 23, 2021 @ 15:27
By

Maynila may 40K capsule ng Molnupiravir

Dumating sa Maynila ang nasa 40,000 capsule ng gamot na Molnupiravir nitong Lunes.

Itinuturing na ‘game-changer’ sa paggamot ng mga COVID patient ang Molnupiravir, na kaya umanong ibaba ang tsansa ang pagkaka-ospital at kamatayan ng hanggang 50 percent.

At nitong Martes ay pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang pagdadala ng mga naturang gamot sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo din ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-Covid drugs,” saad ni Moreno.

Dugtong pa ng presidential aspirant, hangga’t kaya ng supply ay makakatanggap din umano ng Mulnopiravir ang mga pasyente na hindi taga-Maynila.

“Iisang bangka tayo. Dito sa Maynila, welcome ang lahat. Sa abot ng aming makakaya, handa kaming tumulong sa ibang nangangailangan ng mga life-saving drugs gaya ng Remdesivir at Tocilizumab na maraming natulungan sa ibang lugar sa labas ng syudad,” ani Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?