80

Apr 14, 2020 @ 17:26
By

Maynila, magtatakda ng schedule sa mga mamimili sa Blumentritt

Nagpatupad ng restrictions ang Manila City government para sa mga mamimili sa Blumentritt markets dahil pagdagsa ng tao sa lugar.

Dinagsa ang mga public markets at grocery stores sa Blumentritt area nitong Martes dahil narin sa pagsasara ng Balintawak Market.

Bilang tugon rito, magpapatupad ang city government ng schedule sa Blumentritt area simula Miyerkoles, April 15:


1. Para maiwasan ang congestion at masunod ang physical distancing, bubuksan ng city government ang tatlong entry at exit points sa lugar:

-Blumentritt corner Rizal Ave

-Leonor Rivera corner Antipolo

-Blumentritt corner Aurora Blvd

2. Ang mga residente ng Manila City ay may 5:00 am hanggang 12:00 pm schedule sa Blumentritt area

3. Ang nga non-Manila City residents ay may nakatakdang oras na 12:00 pm hanggang 4:00 pm sa Blumentritt area

4. Ang mga wholesale buyers ay may schedule na 4:00 pm hanggang 7:00 pm sa lugar

Ang mga nasabing pagsunod ay pangangasiwaan ng Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services, Manila Barangay Bureau at Manila Markets Administration Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?