26

May 17, 2020 @ 13:49
By

Maynila, mag-bibigay muli ng P1,000 ayuda para sa mga pamilya

Muling magbibigay ng cash assistance na P1,000 ang Manila City government bilang tulong sa mga pamilya ngayong nananatili parin ang coronavirus pandemic.

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang Twitter ang ikalawang cash aid mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund para sa 607,000 pamilya sa Maynila.


“Mga kapwa kong Manilenyo—magkakaroon po sa Maynila ng 2nd tranche ng CACAF. P1,000 cash assistance each for 607,000 families. In our own little way, maibsan po sana namin ang mga pangangailangan niyo.” saad ni Mayor Domagoso.

Ayon pa sa kanya, magiging house-to-house parin ang distrubution ng ayuda upang maiwasan ang pag-pila ng mga tao.

Muli naman pinaalalahanan ni Mayor Domagoso ang mga residente ng Maynila na huwag gamitin sa kung ano-anong bagay ang matatanggap na cash aid at maging responsable sa pagamit nito.

“Wag po sana gamitin para magparebond, para makausap si San Miguel, o kaya magkandabulag-bulag mga mata dahil sa gin bulag hehe” hirit ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?