24

Oct 9, 2017 @ 13:52

Maynila kikita ng P300M sa business permit

Mahigit sa P300 milyon ang maaring malikom pamahalaang lokal ng Maynila mula sa mahigit 1,000 bagong negosyo na magbubukas sa lungsod sa susunod na taon.

Ayon sa Bureau of Permits ng Manila City Hall, inaasahang magbubukas ang mga bagong negosyo sa Enero habang may 45,000 naman ang magre-renew ng kanilang mga business permits.

Kikitain umano ito mula lamang sa mga business permits at hindi pa kasali ang mga malilikom sa buwis.

Sinabi ni Bureau of Permits director Fortune Mayuga na nagkaroon ng “business boom” at  lalong tumaas ang ekonomiya ng lungsod ngayong nasa ikalawang termino na si Mayor Joseph Estrada.

Aniya, may 10 malalaking business process outsourcing (BPO) na kumpanya rin ang nagbukas sa lungsod.

Ilan sa mga lugar na lumalakas ang komersyo ay ang Malate, Sta. Ana, at Sampaloc. Ngayong 2017, mahigit 54,000 mga negosyo ang nakarehistro sa Manila. (Ma. Isabel Billiones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?