61

May 6, 2021 @ 17:50
By

Maymay winner ang ‘birthday rampa’

Halos kalahating milyong views na ang pagrampa ni Maymay Entrata sa 24th birthday niya ngayong May 6.

Sa video na ibinahagi sa kanyang Instagram ay nilagyan niya ito ng caption na “24”.

Nakasuot siya ng colorful mini dress at gold gladiator sandals with matching gold eye make-up habang rumarampa.

Kabilang sa bumati sa kanya ang kapwa celebrities na sina Jessy Mendiola, Dimples Romana at Melai Cantiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?