148

By

Maymay napaiyak ang ina sa biniling bahay sa Japan

Hindi naging madamot sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina si Maymay Entrata matapos nitong manalo sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016.

Kuwento niya sa Sept. 18 episode ng “Magandang Buhay”, isang overseas Filipino worker sa Japan ang nanay niyang si Lorna Entrata.

Mahal aniya ang renta sa Japan kaya naiyak ang kanyang ina dahil may sarili na itong bahay matapos mangupahan ng may 28 na taon.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” ani Maymay.

Maliban sa bahay sa Japan, nagpapatayo pa ng bahay sa Camiguin ang Kapamilya actress para sa kanyang pamilya at pinag-aaral din niya ang tatlo niyang pinsan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?