21

Jun 11, 2021 @ 13:02
By

Maymay hindi dyowa si Donny

Nagsalita na si Maymay Entrata sa pagkaka-link niya sa aktor na si Donny Pangilinan.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate, wala siyang relasyon kay Donny, kahit sa kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

“Isa ito sa assumptions ng sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man,” sey ni Maymay sa panayam kay DJ Jhai Ho.

Ayon kay Maymay, posibleng na-misinterpret lang sila ni Donny dahil sa kanilang pagsasama sa ASAP.

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan,” ayon kay Maymay.

Pag-amin niya, mayroong nagpapaligaya sa kanya ngunit hindi umano ito parte ng showbiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?