50

By

Maymay Entrata nagsukat na ng gown para sa Arab Fashion Week

Sharing is caring!

Naghahanda na ang Kapamilya star na si Maymay Entrata para sa nalalapit nitong pagrampa sa Arab Fashion Week sa Dubai.

Sa Instagram post ng Star Magic Philippines, ibinahagi ang ilang litrato mula sa gown fitting ni Entrata kasama ang international fashion designer na si Furne One.

Sumalang din si Maymay sa panayam ng media.

Matatandaang naimbitahan si Maymay na rumampa sa Arab Fashion Week na gaganapin sa Nobyembre 21-28 na katuparan sa sinabi noon ng aktres na pangarap niyang maging modelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?