178
TNT-ABANTE-TONITE-maymay-entrata
By

Maymay Entrata masusubukan ang katapangan

Minsan pang masusubukan ang tapang ni Espie (Maymay Entrata) para sa kanyang mga mahal sa buhay sa pagbabalik ng mga kalabang maglalagay sa kapahamakan ng kanyang pamilya at sa kaluluwa ni Vincent (Edward Barber) sa pagtatapos ng ‘Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko’.

Manunumbalik nga ang pangamba sa puso ni Espie ngayong dumating na ang angel of death na magtatawid kina Pidyong (Jojit Lorenz) at Casper (Neil Coleta) sa kabilang buhay. Posible namang madamay dito si Vincent ngayong mawawala din siya sabay ng ibang kaluluwa, na maaaring humantong naman sa tuluyan niyang kamatayan.

Ngunit isa pang dagok ang haharapin ni Espie dahil makakatakas si Charlie (Luis Hontiveros) sa kulungan at susugurin ang dalaga upang makapaghiganti. Magreresulta naman ito sa isang trahedya dahil masasaksak ng kalaban ang nanay ni Espie at ilalagay ito sa bingit ng kamatayan.

Paano nga kaya malalampasan ni Espie ang mga pagsubok na ito? Matupad pa kaya nila ni Vincent ang kanilang mga pangako sa isa’t-isa?

Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa ‘Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo ko’ sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?