59

Mar 1, 2020 @ 18:25
By

Maymay, Edward present sa prayer rally ng mga Kapamilya fan

Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ng mga Kapamilya star sa harap ng ABS-CBN Compound sa Quezon City nitong Linggo para ipakita ang pakikiisa sa franchise renewal ng broadcast network.

Nakasuot ng pula, asul at berde ang mga fan, na kulay ng logo ng nasabing TV network.

Ilan sa mga dumalo ay ang mga fandom nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Elise Joson, Joshua Garcia, Vice Ganda, Kim Chiu at Coco Martin.

Samantala, present naman sa nasabing prayer rally sina Pinoy Big Brother couple Maymay Entrata at Edward Barber.

Magkakaroon ng maikling programa sa harapan ng ABS-CBN kung saan inaasahan na makakarinig ng kwento ukol sa ambag ng network sa kani-kanilang buhay.

Inaasahang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN simula Mayo 4, 2020, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pinag-uusapan sa Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?