97

By

Maymay, Edward pasabog sa ABS-CBN Ball 2019

Unang rumampa sa red carpet ng 2019 ABS-CBN Ball nitong Sabado sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Agaw-pansin ang Manila Cathedral-inspired outfit nila.

Sinamahan ni Maymay ang kanyang turtleneck modern Filipinana gown ng isang pulang floral headpiece at chandelier earrings.

Isang Spanish-era soldier’s uniform naman ang suot ni Edward na nilagyan niya ng shoulder details.

Sa isang panayam kay Maymay sinabi nitong sobrang na-inspire sila sa historical story dahil mga prominenteng tao umano ang kinakasal sa Manila Cathedral.

Parang sini-celebrate umano nila ni Edward ang samahan namin, lahat ng natutunan nila sa showbiz.

Ang beige and bronze outfits umano ng dalawa ay dinisenyo ni Furne Amato, isang Filipino na naka-based sa Middle East.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?