342

Oct 29, 2017 @ 11:40

Maymay-Edward lakas ng kilig factor

MALAYUNG-MALAYO ang Maymay Entrata at Edward Barbers sa Kisses Delavin at Marco Gallo tandem. Na kung alin pa ‘yung sa tingin mo ay bagay na bagay, sila pa ang hindi magkasundo.

Hindi nga tulad ng MayWard, na kahit sabihin pang magkaiba ng pinagmulan, at parang ‘ate-ate’ lang ni Edward si Maymay sa simula, pero ngayon, ang lakas makapagbigay ng kilig sa mga fans nila, ha!

Kung buwag na ang Marco at Kisses o KissMarc, buhay na buhay, at palakas nang palakas naman ang MayWard, na habang tumatagal, lalong dumarami ang followers nila. At proven nga ang pagbongga sa takilya ng launching movie nila, ang Loving In Tandem.

Ang bongga nga na sa simpleng eksena nila, sa hindi malamang dahilan, parang bigla ka na lang mapapangiti, at kikiligin na rin. Parang may kakaibang magic kasi na dala si Edward, na kapag tinititigan na niya si Maymay, nag-iiba ang paligid, mas nagiging makulay.

Well, sayang ang KissMarc, pero kung ayaw na ni babae, wala namang magagawa si lalake. So, nganga na talaga ang fans nila, na umaasam na maging MayWard din ang kanilang mga idolo, na mabigyan ng chance na maging bida sa pelikula.

Pero, may chance pa naman silang mapanood ang KissMarc, kasama ang MayWard sa ABS-CBNmobile Exclusives website.

Bukod sa kanila, mapapanood din ang mga viral sensation na tulad nina Kaladkaren Davila sa Kikinang-kinang, kung saan ay makikitsika siya sa ABS-CBN celebrities and personalities and gets them to spill some secrets while doing outrageous challenges.

Sa Squad Goals naman ng MayWard at KissMarc, bukod sa kilig na hatid nila, marami raw silang maituturo sa mga fans nila.

At siyempre sa Dear Alex, patuloy ang pagbibigay ni Alex Gonzaga ng payo tungkol sa pag-ibig, na may kasamang sense of humor siyempre. Feeling nga ni Alex ay siya na ang makabagong Margie Holmes, na hindi lang mahusay magbigay ng payo tungkol sa pag-ibig, kundi pati na rin sa kuwento ng sex.

Ang Hashtags Uncovered naman ay magbibigay inside look with kilig sa mga eksena nila at siyempre ng signature moves nila.

To access ABS-CBNmobile Exclusives, mag-subscribe lang sa KSURF promo loads to get value for their money. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?