54

Oct 4, 2021 @ 16:22
By

Maymay dineny relasyon kay Donny, Edward

Muling nilinaw ni Maymay Entrata na wala siyang relasyon sa kahit sino kina Donny Pangilinan at Edward Barber.

Lumulutang kasi ang ilang tsismis na nagkakamabutihan na raw sila ni Donny.

“Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumusuporta sa akin since day one. Sa lahat ng MayDon fans, thank you,” wika ni Maymay sa isang Twitter post.

“Gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan sa aming dalawa. Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors about sa amin. Maraming salamat po,” dugtong pa niya.

Gayundin, wala rin umanong namamagitan sa kanila ng dating ka-love team na si Edward.

“Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man, wala po kahit sino sa showbiz, wala.”

Paglilinaw ng young actress, wala sa showbiz ang taong nagpapasaya sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?