186

By

Maymay ‘Best Dressed’ sa ABS-CBN Ball, inayunan ni Tyra Banks

Nagdiwang ang mga fan ni Maymay Entrata matapos apat na tweet tungkol sa gown na sinuot ng Kapamilya actress sa 2019 ABS-CBN Ball ang ni-like ni US supermodel Tyra Banks.

Laman ng mga tweet na naka-tag kay Banks at ni-like nito ang tungkol sa dapat na si Entrata ang tinanghal na Best Dressed sa katatapos lang na Ball noong September 14.

Si Bea Alonzo ang idineklarang Best Dressed sa taong ito na ABS-CBN Ball habang si Richard Gutierrez sa mga lalaki.

Humingi ng approval ang Maymay fans kay Banks at ikinatuwa nila ang tugon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?