500

By

Mayaman na siya! Honeylet ‘di na umaasa kay Duterte pagdating sa pera

Mayaman na umano ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña kaya hindi na ito umaasa sa pera niya.

Wala namang alam ang Pangulo kung gaano na ito kayaman dahil ayaw sabihin sa kanya.

“Mayaman na siya ngayon. Ewan ko gaano kayaman. Ayaw naman sabihin. But she has already established an independent — iba ‘yung sa akin na… Hindi na siya umaasa,” sabi ng Presidente sa pagsasalita niya sa Araw ng Pasasalamat for Overseas Filipino Workers.

Dagdag pa niya, nakapagpundar na ng bahay si Avanceña sa Davao City.

Yumaman aniya si Avanceña sa mga pinasok nitong negosyo nang magbalik sa Pilipinas mula sa pagtatrabahong nurse sa Amerika.

“‘Yung bahay namin ngayon, nakabili siya ng housing. Housing project lang. It’s near downtown but kanyang pagod ‘yan. Bili siya ng bahay at nagkaroon ng konting pera,” kwento pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?