1,303
cynthia-villar
By

Mayaman ka kasi! Villar gustong sampalin ng netizen

Binatikos ng mga netizen ang suhestiyon ni Senadora Cynthia Villar na huwag na lang kumain ng galunggong kasunod ng ulat na pumalo sa P300 hanggang P360 kada kilo ang presyo nito sa mga pamilihan.

“Eh kung mahal ang galunggong, eh di wag kumain ng galunggong, di ba. There are other alternatives na puwedeng gawin, bakit ba gustong-gusto n’yo ‘yong galunggong kung mahal ang galunggong,” pahayag ni Villar.

Anang netizen na si @jomszj, alam daw ba ng senadora ang tungkulin nitong maglingkod sa mga tao sa halip na sabihan niya na mag-adjust ang mga ito sa nararanasang krisis sa tinaguriang “poor man’s fish” sa bansa.

Tinawag din nilang bobo si Villar dahil hindi man lang daw inisip ang mahihirap sa kanyang pahayag.

Madali aniyang sabihin ng mambabatas na huwag na lang kumain ng “GG” dahil mayaman ito at hindi kumakain ng naturang isda.

Buwisit naman si @maroontito at gustong sampalin si Villar ng isang banyerang galunggong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?