94

Oct 24, 2017 @ 15:54

Mayabang na producer nakatikim ng digital karma

Tahimik ang buhay ngayon ng batang producer na ito. Nakailang pelikula rin ito na medyo kumita ang isa, pero ‘yung pangalawa ay certified flopsina.

Noon ay medyo may kahanginan ang ulo nito na kung makaasta ay feeling mo talaga ay totoong richy-richy ang drama.

Marami sa kanyang production people ang nagreklamo sa pagiging masungit niya at laging mainitin ang ulo. Kung magalit nga raw ito parang binili na nito ang buhay ng kanyang mga trabahador.

Dahil sa walang gaanong return of investment sa kanyang mga prinodyus, hindi na nasundan ang kanyang mga pelikula. Worst case pa, hinahabol na siya ngayon ng kanyang mga kaibigan dahil sa mga nagtatalbugang tseke.

Bihira na rin siya makita sa showbiz functions unlike before. Nagta-try din sanang mag-artista pero walang pumapansin kasi nga, ‘di naman mukhang artistahin.

Ewan namin kung ano na ang ganap sa buhay niya ngayon dahil totoong nawawala na ito sirkulasyon. Hays, ang Carmi Martin nga naman, buh! Very digital, noh?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?